Tabi Po by Mervin Malonzo

by - September 01, 2012

[image from Tabi Po]


Sa pagtatapos ng komiks na "Skyworld" ni Mervin Ignacio at Ian Sta. Maria, nawalan na ako ng susubaybayan. Ngunit itong Biyernes, nabigyan ko ng pagkakataon ang aking sarili na mabasa ang isa sa mga nakatambak kong komiks na noong mga nakaraang Komikon ko pa nabili ngunit  hindi ko mabasa-basa. Ang Ingles na kopya ng unang isyu ng "Tabi Po" ni Mervin Malonzo, ito ang aking mapalad na nabunot, at bumuhay muli sa aking pananabik sa komiks.

To be continued. Bitin ako. Sobra.

Aking nakita ang nakasulat sa likod na nagsasabing mababasa ang Filipino na bersyon sa www.tabi-po.com. Sinubukan kong bisitahin at ang laki ng aking tuwa nang malaman na mababasa ko lahat ng isyu nang libre. Ayos. Muli kong binasa ang unang isyu sa Filipino, at ako'y natuwa at nasabi sa sarili, mas maganda pa rin sa sariling wika natin. At habang aking patuloy na binabasa ito, muli kong nasabi na "bakit ngayon ko lang naisipan na basahin 'to?" Pero ayos na rin dahil hindi ako mabibitin nang sobra.

Tulad ng tema ng "Skyworld" naka-ugat din ang kuwento ng "Tabi Po" sa mga mitolohiya ng ating bansa. Aswang, oo, isang aswang ang bida at Elias ang kanyang pangalan.   Nakakaintriga, akin na itong susubaybayan.


Nakakatuwa rin magbasa ng komiks na may kulay. Masarap sa mata. Kahit ang kanyang istilo sa pagguhit ay hindi nakakapagod sa mata.


Naaalala ko ang logo ng "The Mythology Class" ni Arnold Arre sa logo ng "Tabi Po", marahil, kaya ko siguro napiling bilhin ito noong nakaraang Komikon dahil may ideya na ako na ito'y isang kuwentong aswangan, tikbalangan, enkantohan na naman at baka maging maganda rin ang aking karanasan sa pagbabasa nito.


Hindi ako nagkamali. :)

You May Also Like

0 comments